About this Episode:

Ang salitang walk na dati’y hamak na simpleng wikang Ingles na ibig sabihin ay lakad ay may isa pang kahulugan ngayon – at yan ay ang akto ng pakikipagtalik na may kapalit na bayad at luho, sa madaling salita ang taong nakikipag-walk ay isang pokpok, bayaran, prostitute. Dito sa episode na to ay babalik tayo sa taong 2015 at papakilala sila Xyra at Scarlett, dalawang dalaga na may mga kanya-kanyang kuwento kung bakit sila napadpad sa ganoong kalakaran.

Isang malaking suliranin lalo na sa kababaihan ang prostitusyon at madalas ito’y kinukundena sa lipunan. Madaming dahilan at puno’t dulo kung bakit nangyayari ito. Hindi layunin ng episode na ito na gawing simpleng palusot ang mga dahilan ng babae bakit sila nagiging pokpok kung hindi ay para maintindihan bakit minsan ay umaabot sila sa ganoong situwasyon, na minsan ay hindi na maiiwasan.

Share this Episode:
Share on facebook
Share on twitter

See more episodes of Digital Souls - #FeelingBlessed

Comments

Sign in using