Kabanata Isa

Ala-Ala ng nakaraan

 

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, wala akong nakikita pero alam niyo ‘yung prang liwanag lang. Parang maputi gano’n. Ang hirap i-explain.

 

Kinapa ko ang kama kung nasaan ang kama ko dahip sa kama ko lang naman inilagay ang tungkod ko, nakapa ko na iyon at unti unti ng tumayo,

 

“Oh gising kana pa-”

 

“Ahh!” Napaupo naman ako sa sahig at ang sakit sa puwet, bigla bigla kasing nagsasalita si lola, muntikan

 

“Lola? Nasaan ka po?” Tanong ko at unti unti na ulit tumayo, kinapa kapa ko ang lapag gamit ang tungkod at paa ko.

 

“Nandito ako” Lumapit naman si lola sa’kin para alalayan ako, “Gusto mo bang sumama sa simbaha ngayon?” Kumawala ang malaking ngiti mula sa labi ko at mabilis at masayang sinabi ang Oo kay lola

 

“Tara na at maligo na tayo”

 

***

 

Kakatapos lamang namin mag simba ni lola at nakaupo kami sa kung saan, nag simba kami sa simbahan ng tondo, sabi ‘yun ni lola

 

Wala naman ako masiyadong naintindihan ng pare kanina habang nag mi-misa kasi bigla nalang akong inantok, pero hindi ko makakalimutan ang huling katagang sinabi niya bago mag tapos ang misa ng tondo

 

‘ Hinding hindi ka magiging tao kung hindi ka makakaranas ng sakit, at poot sa damdamin. Kahit bulag, bingi o hindi nakakapag salita. Lahat tayo ay nararapat na sabihan bilang isang tao na likha ng diyos. Huwag kayong mawawalan ng pag-asa. May panibagong bukas at may mabuti at magandang handog sa’yo ang panginoon, hintayin mo lamang at dadating ito sa tamang panahon’

 

Pagkatapos niya sabihin lahat ng iyon ay nabuhayan ako ulit, nagkaroon ng lakas ng loob na mabuhay pa. Pero nandoon parin ‘yung sakit kapag sinasabi nilang bulag ako.

 

Nag hihintay lang ako rito sa inuupuan ko dahil sabi ni lola ay may kakausapin lang siyang tao. Maya maya ay biglang may taong humawak ng slbrang higpit sa braso ko kaya napatayo ako sa pagkagulat

 

“A-aray, sino ka po?” Daing ko habang hinahawakan ang kamay niya at pilit na tinatanggal.

 

“TAANDAN MO LAHAT NG SASABIHIN KO, INENG. BABALIK KA SA PANAHON KUNG SAAN LAHAT NG BABAE AY INIRERESPETO AT KUNG SAAN ANG MGA BINUKOT O PRINSESA AY HINDI MAARING MAKALABAS NG KANILANG BALAY!! BABALIK KA SA PANAHON UPANG BAGUHIN ANG KAPALARAN NG ISANG BABAENG NAGMULA SA PINAKAMATAAS NA ANGKAN SA KAHARIAN NG TUNDO. BABALIK KA SA PANAHON UPANG MAGKAROON NG MISYON!! BABAGUHIN MO ANG KAPALARAN NG ISANG LALAKE! BABAGUHIN MO!!! ” Naiiyak na ako dahil sa sinasabi ng lalaking ito, hindi ko alam pero naguguluhan ako sa sinasabi niya! Hindi ako maaring bumalik sa panahon na sinasabi niya!

 

Parang nag sasaya ang boses niya, masayang masaya. ‘yung saya na hindi mo maipagkakaila. Parang itinataas pa nito ang dalawa nitong kamay.

 

“Makakakita ka. Makakakita ka. Pero tatandaan mo lahat ng sasabihin ko. Dapat maging handa ka sa sakit na dala nito pag nakabalik kana ulit sa kasulukuyan.” pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumawa siya ng pagkalakas lakas,

 

Bigla ko namang narinig ang boses ni lola mula sa likod lo

 

” Hoy anong ginagawa mo sa apo ko!!! Ikaw na bal–” Hindi na naituloy ni lola ang sasabihin nito, sandaling katahimikan ang namayani sa lugar. Para bang walang mga tao at kaming tatlo nila lola ang nandito, ‘yun lang ang nararamdaman ko ngayon

 

“Bulan? Apo mo ang dalagang ito?! Bulan!” Nanlaki ang mga mata ko ng biglang nagalit ang mama sa gabi ko at mahigpit akong hinawakan “Muling mauulit ang nangyari noon, ngunit hindi na sa’yo, bulan. Hindi na. Kung anong tindi ng sakit ang naramdaman mo noon. Mas matindi ang dadanasin ng apo mo!” Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nito. Anong tindi at mas matinding sakit ang mararansan ko? Anong nangyari kay lola noon?

 

” Tumigil kana, ape. Tumigil kana. ” Naiinis at parang patapos na sabi ni lola at hinila na ako palayo roon. Hindi ko alam kung bakit ganoon nalamang ang tono ng pananalita niya kanina

 

At hindi ko rin alam at hindi maintindihan kung ano ang pinagsasabi ng mama na ‘yon. Naguguluhan ako. Paano akong babalik sa nakaraan? Napaka imposible na mangyari ang bagay na’ yon,

 

Oo aaminin ko na naniniwala ako sa lahat ng sinasabi ni lola’t mama, sa mermaids, tikbalang, unicorns, taong lobo, at kung ano ano pang myth na sinasabi nila. At ginugusto ring makita ang mga iyon balang araw. Pero sa paniniwalang makakabalik ako sa nakaraan at mababago ko ang kapalaran ng madaming tao. Napak imposibleng mangyari ng bagay na iyon.

 

Pero ang pinaka pinagtataka ko, ay ‘yung sinabi ng mama na, mauulit ulit ang nangyari noon. Na kung anong tindi ang sakit na dinanas ni lola noon, ay mas titindi ang sakit na mararamdaman ko.

 

Wala akong maintindihan!

 

Mahabana ang nilakad namin at masakit nadin ang dalawa kong paa

 

“l-lola… Masakit na po ang paa ko, gusto ko po muna magpahinga” mahinhin kong sabi at sinunod namin iyon ni lola, umupo kami.

 

 

 

Ape Agrasagtan P.O.V

 

Muling mangyayari ang nakaraan, babalik ang dalagang iyon sa nakaraan kung saan hindi pa nasasakop ng espanya ang bansang pilipinas, kung saan buhay na buhay ang kultura ng mga pilipino. Babalik ang dalagang iyon sa nakaraan kung saan kaylangan niyang baguhin ang kapalaran ng madaming tao. Sa Dalawang Kaharian nh pilipinas, ang mindanao at tundo. 900 years ago.

 

Siya ang magtatapos sa hindi natapos ni bulan na misyon noong bumalik siya sa nakaraan noong labing walong taong gulang siya. Kamukhang kamukha ni bulan ang babaeng nanggaling mula sa mataas at mayamang pamilya. At ganoon din ang mangyayari sa kanyang apo. Magkakamukha silang tatlo.

 

Third Person Point Of View

 

Napangisi ang mama habang iniisip niya ang nga iyon, unti unti itong naglaho at nawala nalamang na parang bula.

 

Annie Ferrer Point Of View

 

Hinawakan ni lola ang palad ko at hinamas himas ito, naramdaman ko rin na hinalikan niya ito kaya nagtaka ako kung bakit. Naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha nito sa palad ko.

 

“Annie, ipangako mo sa’kin na hinding hindi ka nag titiwala ng kahit sino pag nabalik ka sa nakaraan” Ayan nanaman tayo sa pagbalik sa nakaraan “Ipangako mo sa’kin na kahit anong mangyari ay hindi ka mag mamahal ng kahit sino. Lalong lalo na sa rajah. Dahil kahit kaylan hinding hindi nito masusuklian ang pagmamahal na ibibigay mo”

 

“L-lola, ano bang pinagsasabi niyo? Hindi ko kayo maunawaan, naguguluhan ako” nakakunot noo kung tanong kay lola. Feeling ko masusuka ako na ewan sa sinasabi nila. Feeling ko mababaliw ako.

 

“May iku-kwento ako sa’yo, Annie” medyo natakot ako ng sabihin iyon ni lola, base kase sa tono niya ay nakakakilabot.

 

“May isang babae na kamukhang kamukha mula sa nakaraang panahon. Isa siyang babaeng mahinhin, tapat at hindi kaylanman nakagawa ng masama. Iyon ay dahil isa siyang binukot at hindi siya maaring lumabas ng balay nila, makakaalis lamang ang binukot kapag ikinasal na ito sa ginoo o sa anak ng rajah o Datu.” pagkukwento ni lola. Alam ko na ang meaning binukot at rajah na sinasabi niya. Ang binukot ay ang pinakatagalog na salita ng prinsesa. At ang rajah naman ay ang hari. Siya ang namumuno kaharian ng tundo.

 

Sabi ni lola noon, madaming kaharian ang pilipinas. Hindi niya bilang pero may tumatak sakaniya noon. Ang kaharian ng tundo at ng huangdom pangasinan. Ang sabi ni lola, ang rajah ng huangdom ay ang isang chinese, at mahigpit daw ito. Sobrang higpit. ‘yung tipong may makapasok lang daw doon na taga ibang kaharian ay ipinapapatay. Ang pangalan ng rajahang iyon ay si yongle emperor. Kabisado ko pa lahat.

 

Pero iba ang sinasabi ngayon ni lola. Mukhang ito yata ang nangyari sakanya noon.

 

“At ako ‘yon, napunta ako sa unang panahon. Kung saan ang kultura ng pilipino ay buhay na buhay. Masaya ang mga araw noon. Pero hindi ko aakalain na magmamahal ako ng isang ginoo mula sa mayamang angkan. Mayaman din naman ang angkan ko pero mas mayaman sila. Dahil ang baba nito ay isang rajah at ang iloy nito ay isang  hara. ”

 

Ngumiti ako ng itinuloy ni lola ang pag ku-kuwento. Ang ginoo ay isang anak ng rajah. Iyon ang tawag sa nga anak ng rajah lalo na kung isa kang lalake. Ginoo. at kapag babae naman ay binukot. Ang baba naman ay papa ang ibig sabihin, samantalang hara naman ay reyna.

 

Hindi ako nakapag aral pero sa mga itinuro ni lola sa’kin noon ay parang nagbabalik ako lumang panahon. May mga alam ako na hindi alam ng iba. Bulag ako pero mas alam ko ang history ng pilipinas.

 

“Nuong mga araw na iyon, nuong nalaman ng rajah ng huangdom na mayroon kaming pagtitinginan sa isa’t isa ng ginoo, ay agad na akong pinarusahan dahil sa pagtataksil. Hindi ko alam na ipinagkalulo pala ako ng iloy ko sa rajah ng huangdom. Kaya pala pinagbabawalan ako ng aking iloy at baba na makipag kita sa ginoong iniibig ko ay dahil ipinagkalulo na nila ako kay yongle” Naramdaman ko nanaman ang pag tulo ng luha nito

 

Yongle. Ang sinasabi ni lola na rajah ng huangdom. Detalyado na ang sinasabi niya ngayon sa’kin. Lahat ng nangyari sakanya nuong bumalik siya sa nakaraan ay ikinukwento na niya. Pero bakit?

 

“Si Darundu Maglayan ho ba ang ginoo na iniibig ninyo?”

 

Katahimika ang namayani sa’min ni lola

 

“Oo. Siya nga”

 

Napatakip ako sa bibig ko ng sumang-ayon si lola. So siya nga. Siya nga ang ginoo na palagi niyang binabanggit noon sa’kin. Ang una niyang inibig.

 

“Pakakasalan daw dapat ako ni yongle, ako raw sana ang magiging daan upang mas tumaas ang rango namin. Sana daw ako ang naging hara nuong panahon na iyon. Sakim sa kapangyarihan ang mga magulang ko. Hindi ako ginustong pakasalan ni rajah yongle pagkat ay mas bumaba ang antas ng pamilya namin sa paninira ni yongle sa’min. Sinabi yongle na pumatay ang baba ko ng dalawang lalake sa kaharian ng tundo. Kaya napatawan kami ng malaking kaparusahan. Namatay ang aking baba sa kasalanang hindi niya ginawa. Ang aking ikoy naman ay binaboy ni yongle”

 

Unti unti namang tumulo ang nga luha ko sa mga binanggit ni lola.

 

Nakaramdam ako ng lungkot.

 

Napatakip ako bigla ng tainga ko ng biglang nay pagsabog akong narinig. Napakatindi ng pagsabog naiyon. Napakalas

 

“Anong nangyayari?” Tanong ni lola habang hinahawakan ako “Apo?!” Hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko, puro pagsabog na ang naririnig ko at mga hiyaw ng nga tao. Pati ang boses ni lola na nag aalala

 

“Anong naririnig mo?” Taranta na tanong ni lola

 

“Lola andaming sumasabog. Nag tatakbuhan at nagsisigawan ang mga tao” pagkatapos kong sabihin iyon ay biglang tumahimik ang lahat, biglang nawala ang mga ingay. Miski ang boses ni lola ay hindi ko na marinig

 

“Eto na. Eto na ang araw kung kaylan babalik ka sa nakaraan. Pasensiya na apo at wala akong magagawa. Patawad” niyakap ako ni lola habang umiiyak at ako naman ay naguguluhan hanggang sa putok nalamang ng baril ang narinig ko at tuluyan na akong nahimatay.

 

 

 

 

Share:
Share on facebook
Share on twitter

Comments

Content Warning

Some content you are about to view may not be appropriate for minors. Please proceed if you are at least 18 years of age.