Simula

0
(0)

Annie Ferrer Point Of View

 

“Ahahahah, bulag, bulag, bulag!” narinig ko nanaman ang pang aasar nioang paulit-ulit nalang, wala na bang iba? Bakit pa kasi ako pinanganak na bulag?

 

Ang hirap. Sobrang hirap. Ang hirap ng walang nakikita kundi dilim lang. Kulay black.

 

“Ahh” mahina kong daing habang napa cross arms pa para matakpan ang mukha ko dahil bigla nalang nila akong pinagbabato ng maliit na bato, kaylangan ko nang pumasok sa bahay baka matamaan nanaman ako ng malaking bato.

 

Dali dali akong tumayo pero hahakbang palang ako paakyat ng hagdan ng bigla akong nahulog at tumama ang siko ko sa ‘di ko mapaliwanag na bagay. Ang sakit. Para itong patalim, ramdam ko rin ang pag daloy ng dugo mula sa braso ko.

 

“ahhh…” daing ko pang muli habang sinusubukang bumangon sa pag kakadapa, wala akong makita. Hindi ko alam kung ano bang nahahawakan ko, nakakatakot lalo na kung hindi mo alam na ahas na pala ang hawak mo o dikaya aso na nananakmal.

 

“Ay harujusko kang bata ka! Ba’t hindi ka nag iingat, nagkasugat nanamang tuloy, alam mo namang inaalagaan natin ang balat mo!” inalalayan ako ni mama na makatayo sa pagkakadapa

 

“AT KAYONG MGA BATA KAYO! HINDI BA KAYO TINUTURUAN MANLANG NG MGA MAGULANG NINYO? PANGALAWANG BESES NIYO NA ITONG GINAWA SA ANAK KO! MGA TEEN-AGER NA KAYO! DAPAT ALAM NIYO NA ANG TAMA AT MALI! AT IMBES NA KAYO ANG TUMUTULONG SA ANAK KO PARA HINDI SIYA MAG KASUGAT O MAWALA AY KAYO PA ANG GUMAGAWA NG KATARANTADUHAN! MGA WALANG MODO AT HINDI PINALAKI NG MAAYOS NG MGA MAGULANG NINYO! HINDI NA AKO MAGTATAKA KUNG MAPAPARIWARA KAYO PAG DATING NG ARAW! SANA AY KARMAHIN KAYO NG MGA—” Hindi ko na pinatapos mag salita si mama dahil alam ko na ang sasabihin niya

 

Na sana karmahin kayo ng mga anito at ninuno ng mga humimlay na kaluluwa ng kanilang ninuno at mga ninuno namin.

 

” Ma… Tama na” pagpapatigil ko sakanya dahil nararamdaman kong madami ng nakatingin saamin dahil naririnig ko na ang mga bulungan ng mga tao sa paligid namin

 

“At ikaw naman kasi! Labas kanang labas kaya ka napapahamak! Hindi kaba nag sasawa na asar-asarin ng mga tao rito?!” ramdam kong lumuluha na si mama dahil malungkot ang boses niya

 

“Sanay na po ako, at may dahilan naman po kung bakit lumalabas ako ng bahay at nag tutungo rito sa garden natin. Gusto ko pong lumanghap ng natural na hangin, at pagmasdan ang labas kahit na wala akong nakikita” pilit akong ngumiti at kinuha na ang tungkod ko upang makapasok na sa bahay.

 

Sumunod naman si mama, ramdam ko ang presensya niya.  Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at bumulong

 

“Makakakita karin. Huwag kang mawalan ng pag-asa, annie.” malungkot na wika ni mama at tuluyan na akonh inalalayan papasok ng bahay.

 

***

 

Gabi na at may bisita si mama, mga kaybigan niya raw nuong high school siya. Sabi ni mama magaganda at guwapo raw ang mga ito. Sana makita ko rin ang mga mukha nila, nakaupo lang ako sa isang sulok habang pinakikinggan ang mga pinagsasaluhan nilang mga salita

 

“Mare,” ramdam ko naman agad ang pang iinsulto sa boses ng isa sa mga kaybigan ni mama. Matapang at medyo barako ng kaunti kahit na babae ito. Katabi ko lang ito base sa lakas ng boses na nahahagip ng tainga ko, ramdam ko rin kasi ang presensya niya sa tabi ko

 

“Hindi mo ba pag aaralin ang anak mo? 18 years old na ang anak mo ngunit hindi mo manlang pinag aaral” ang saya at tawanan mula sa bahay ay nagwakas ng banggitin niya ang mga katagang iyon.

 

Bigla namang may kumurot ng kaunti sa puso ko ng marinig ko iyon. Mababaw lang ang luha ko kaya pinilit ko talagng hindi bumagsak ang mga luha na kumakawala sa mata ko at huminga ng sobrang lalim

 

“Mare naman, alam mo naman na hindi nakakakita ang anak ko ‘di ba?” Sabi ni mama hanggang sa naramdaman ko naman ang paghawak ng kaybigan niya sa braso ko. Napakainit ng palad nito.

 

“Alam ko naman ‘yon, mare, at nauunawaan ko. Pero sana manlang sa special study nalang? Anong mapapala mo sa anak na bulag na nga hindi pa nakakaintindi ng english at ng kung ano ano pang salita hindi ba?” ramdam ko ang pag ngiwi nito at pang iinsulto na para bang nangaasar

 

” Mare naman… ” Bigla nalang tumulo ang luha ko kaya mabilis ko iyong pinunasan at ngumiti.

 

“Oh, ba’t kanaman umiiyak, annie? Nasasaktan kaba sa sinabi ko?”

 

“Sinong hindi masasaktan sa sinabi mong bruha ka. Pinangalandakan at pinadama mo ng sobra sa apo ko na bulag siya at hindi makagagawa ng nagagawa ng mga may mata. Walang modong babae” narinig ko ang galit sa tono ng pananalita ni lola, ngayon ko lang narinig na galit si lola, hinawakan nito ang kamay ko at mabilis akong kinaladkad papunta sa kung saan. Alam kong si lola iyon dahil ramdam ko ang mga kulubot sa kamay nito

 

“nasa kuwarto tayo” galit padin ang tono ni lola at hindi ko alam kumg saan ako nakatingin pero nagsibagsakan na ang mga luha ko dahil hindi ko na kinakaya ang tensyon sa pagitan namin ni lola.

 

“Lola…” Napahagulgol kong sabi habang tumutulo ang mga luha.  “Bakit ba kasi ipinaganak ng walang nakikita? Lola ang hirap hirap” hagulgol kong sabi habang nakayakap kay lola. Naramdaman ko naman ang pag tulo ng luha sa mata ni lola dahil naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko

 

“Lola amg sakit sakit na! Sobrang sakit! ‘yung kahit na sabihin ko na hindi ako dapat masaktan sa mga sinasabi ng iba ay nasasaktan padin ako. Kasi sa tuwing sinasabi nila na bulag ako, na wala akong nakikita. Para bang sinasabi rin nila na dapat hindi na ako nabuhay, para bang wala akong silbe sa mundo na ito ” mahaba kong lintaya habang nakayakap ng mahigpit kay lola habang umiiyak.

 

” Ayos lang ‘yan, apo. Ayos lang” mas napahagulgol naman ako ng sabihin iyon ni lola ng umiiyak at hinahaplos ang buhok ko na hanggang balikat lang

 

Naramdaman kong pinaalis na ni mama ang mga bisita niya dahil narinig ko ang mga paa nito na naglalakad palabas ng bahay.

 

“Ma naman!” Inis na sabi ni mama

 

Tinanggal ni lola ang pagkakayakap sa’kin at nag salita

 

“Ano?” inis na tanong ni lola

 

“Hindi mo na dapat sinabi pa ang mga bagay na ‘yon! Nakakahiya! Ngayon nalamang kami nag kita ng mga kaybigan ko tapos sasabihan mo pa ng–” Hindi natapos ang pagsasalita ni mama ng biglang nagsalita si lola na ikinagulat ko dahil sa lakas ng boses niya

 

“NA ANO?! NG MGA MASASAKIT NA SALITA?! ANO BANG SINABI KONG MASAKIT NA SALITA SA MGA KAYBIGAN MO?! ANO? HAHAYAAN MO NALANG BA NA ASAR-ASARIN, INSULTUHIN NG MGA KAYBIGAN MO ANG ANAK MO! FOR PETE’S SAKE NAMAN, MARIA! MAAWA KANAMAN SA ANAK MO!” Narinig ko ang pag hagulgol ni lola habang ipinagtatanggol ako

 

” Maawa ka! Hindi mo alam kung gaano nag hihirap ang anak mo dahil sa hindi siya makakita! ”

 

” la… Tama na po” lumuluha kong sabi

 

“Anong kaartehan ba kasi ang ginagawa mo, annie! Sana um-oo kanalang! Sana nakisabay kanalang! Kasi kahit ako nasasaktan at naiinsultuhan din sa sinasabi nila! Pero nakikisabay nalang ako” mula sa inis ay naging malungkot ang tono ng boses ni mama.

 

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko’t nag simula ng magsalita. Alam kong mali pero kaylangan ko ring sabihin ang nararamdaman ko!

 

“Ma! Hindi mo naman kasi alam kung gaano kahirap ang walang makita! Hindi mo alam kung paano mabato ng mga bato ng mga tao sa labas, hindi mo alam kung anong sakit ang naidudulot sakin ng pang aasar at pang iinsulto ng mga tao na nakapaligid sa’tin!” Sabi ko habang nanginginig ang bibig dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko. Para bang sinasaksak ang puso ko ng libo-libong karayom at pinipilit itong itusok hanggang sa loob

 

Napahawak ako sa gitna ng dibdib ko at dahan dahang pinalo ito” Ma, hindi mo ramdam ‘yung sakit na nararansan ko! Kaya wala kang karapatan na sabihan ako na dapat nakisabay nalang ako at hindi mag inarte sa harap ng kaybigan mo! Ginawa ko! Sinubukan kong hindi umiyak at patuluin ang luha ko ng sabihin niya ang mga salitang iyon! Ma, hindi mo naranasan na mabulag o mawalan ng paningin kaya huwag mo akong sabihan ng mga ganiyang salita! ”

 

Humihikbi ako habang hindi na alam kung anong gagawin ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam

 

” Huwag mo akong kinukuwestyon, annie! ”

 

” HINI KITA KINUKUWESTYON, MA! SINASABI KO LANG ANG NARARAMDAMAN KO! ” Marahas at malakas kong sabi at napahagulgol na ng sobra, napaupo pa ako ng mga sandaling ito. Iniyuko ko ang mukha ko sa tuhod ko habang hinaharangan iyon ng dalawa kong palad

 

” Kasi ma, kahit anong sabi ko sa sarili ko na kaya ko, na hindi dapat ako mag paapekto, naapektuhan parin ‘yung feelings ko! Kasi nanduon ‘yung sakit kapag sinasabi nilang, ‘Ay bulag ‘yan?’ ‘Bulag, bulag’ na bakit hindi ako mag aral kahit na bulag ako? Ma, ang sakit sakit! Sobrang sakit” mahaba kong lintaya habang sinisipon na dahil sa kakaiyak

 

“Ma, nandu’n parin ‘yung paniniwala ko sa palagi mong sinasabi na, ‘Huwag kang mag alala, makakakita karin someday’ Pinaghahawakan ko parin ‘yun, kahit na wala ng pag-asa na makakita ako at pag masdan ang magandang ulap at buwan na palaging sinasabi ni lola. ” saad ko habang patuloy padin sa pag iyak.

 

Hindi ako makatigil sa pag iyak. Dahil sobra sobra na ‘yung nararamdaman kong emosyon.

 

” Gusto ko ng mamatay, ma. Gusto ko ng matigil ang pakiramdam na ito. Gusto ko na” Marahas naman ako nitong niyakap at hinawakan ang likod ko at hinaplos haplos ito

 

“Sana hindi nalang ikaw ‘yung mama ko, sana hindi nalang ako nabuhay” hindi ko na namalayan na tuluyan na akong nakaupo habang nakahawak sa mga braso ni mama

 

“Huwag mong sabihin ‘yan anak, please huwag. Masasaktan ako ng sobra pag nawala ka, please” naramdaman ko ang pag tulo ng luha ni mama habang niyayakap ako at hinahaplos ang likod ko.

 

“Huwag…”

 

 

RATE THIS:

How would you rate this?

Rating: 0 / 5. Vote count: 0

No votes so far! Be the first to rate this post.

Comments